DAGUPAN CITY– Patay ang isang radio commentator sa lalawigan ng Pangasinan matapos itong pagbabarilin sa harap mismo ng kaniyang tahanan sa bayan ng Villasis.

Kinilala ang biktima na si Virgilio Maganes, 62 anyos na residente ng Brgy San Blast sa nabanggit na bayan at radio commentator ng DWPR Dagupan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PMaj. Christian Alulod, OIC Chief of Police ng Villasis PNP sa nakalap nilang impormasyon, pasado alas 6:30 ngayong umaga nang pinagbabaril ang biktima ng dalawang suspek sa harapan ng kaniyang tahanan kung saan nakasakay ang mga ito sa itim na motorsiklo , nakasuot ng itim na jacket at helmet.

--Ads--

Nagtamo ito ng tama sa ulo na agad nitong ikinamatay.

PMaj. Christian Alulod, OIC Chief of Police ng Villasis PNP

Dagdag pa ni Alulod na lahat ng anggulo ay kanilang iniimbestigahan kabilang na ang trabaho ng biktima.

Nakapagsagawa na rin ng pagtatanung ang kapulisan sa mga residente sa lugar lalo na sa mga nakakita sa insedente.

PMaj. Christian Alulod, OIC Chief of Police ng Villasis PNP

Hinihikayat naman nito ang publiko na makipagtulungan sa kapulisan kung may nalalaman sa pangyayari.

Pinayuhan din nito ang taumbayan na maging vigilante at agad ireport sa kapulisan kapag may mapansing kahina-hinalang kilos sa kanilang paligid upang hindi na mauwi sa kahalintulad na insedente.

Napag-alaman na si Maganes ay dati ring nagsilbi bilang Station Manager ng Bombo Radyo La Union.