Malala na umano ang nangyayaring racism bunsod ng lumalalang kaso ng Covid 19 sa bansang Italya.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Kloe Sison Canilang tubong Dagupan City at nagtratrabaho sa Milan Italy na dahil wala na umanong masisi ang ilang Italyano dahil sa tumataas na bilang ng kaso ng Covid 19 ay maging ang mga Pinoy na tulad niya ay nakakaranas na ng hindi magandang sitwasyon sa nabanggit na bansa.

Tulad aniya sa kaniyang karanasan na binatukan siya ng isang lasing na Italyano matapos itong mapagkamalang Chinese.

--Ads--

May pagkakataon din aniya na pinagmumura siya kasama ang kaniyang kapwa Pilipino ng ilang Italyano.

May ilang Pilipino din umano na nakakaranas ng pandudura at pambubogbog dahil tila isinisisi sa kanilang mga Asiano ang covid 19.

Kloe Sison Canilang -Pinoy in Italy

Ngayon lamang umano nila naranasan ang ganitong pagtrato nang lumala ang kaso ng Covid 19 sa Italy.

Noon naman aniya ay palagi pang pinupuri ang mga Asiano lalo na ang mga kababaihan na madalas tawaging magaganda.

Sa mga kaso ng Chinese sa nabanggit na bansa , hindi na umano sila lumalabas doon dahil mas malala ang pagtrato sakanila ng ilang Italyano.

Kloe Sison Canilang -Pinoy in Italy

Hindi na rin umano sila lumalabas dahil kapag napatunayang gagala lamang ay magmumulta sila ng 206 euro o katumbas ng halos P11,000 o ikukulong ng tatlong buwan.