Napanatili ng Severe Tropical Storm ‘Queenie’ ang taglay nitong lakas habang patuloy na kumikilos sa direksyong pahilaga sa karagatan na nasa silangan ng Taiwan.

Batay sa ulat ng state weather bureau, ang sentro ng bagyo ay huling natukoy sa layong 605 kilometro sa silangan hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes.

Taglay pa rin nito ang maximum sustained winds na 110 kilometro kada oras (km/h) malapit sa sentro at may pagbugso na umaabot sa 135 km/h.

--Ads--

Kasalukuyang kumikilos ang bagyong ‘Queenie’ pahilaga sa bilis na 15 km/h.

Patuloy na pinapayuhan ang mga residente sa hilagang bahagi ng Luzon, lalo na sa lalawigan ng Batanes, na maging alerto at subaybayan ang mga susunod na opisyal na ulat-panahon.