“A Very Strong woman.” Ganito inilarawan si Queen Elizabeth ang asawa ng namayapang asawang si Prince Philip sa edad na 99.
Ayon sa ulat nina Bombo International Correspondent Barry at Vangie Tyler ,mag asawa mula sa Bedfordshire, England, bagamat wala na si Prince Philip na kasa-kasama niya sa loob ng 69 na taon mula ng maging reyna ito ay tiwala silang magagampanan pa rin niya ang kanyang tungkulin.
Sa kabila ng pagkawala ni Prince Philip ay hindi pa rin nito bibitawan ang trono at inaasahan na nakasuporta naman sa kanya ang mga apo lalo na si prince william na asawa ni Kate Middleton.
Samantala, patuloy namang nagluluksa ang mga mamamayan ng UK sa pagpanaw ng principe na itinuturingna isa sa pinakagustong personalidad sa kanilang bansa.
Gaganapin ang funeral para kay Prince Philip sa St. George’s Chapel sa Windsor Castle na limitado lamang sa 30 katao ang papahintulutan sa seremonya ng libing.
Sa ulat ni Tyler, mag isa lang si Queen elizabeth sa tabi ni Prince philip at si Kate Middleton ang gigitna sa pagitan nina prince william at prince harry, dahil hindi kasama ang si Meghan Markle, na asawa ni Harry dahil umano sa abiso ng kanyang doktor dahil sa kanyang pagbubuntis.
Si Prince Philip na asawa ni Queen Elizabeth II ay pumanaw sa edad na 99 noong nakaraang linggo.
Magugunitang naging kontrobersyal ang mag-asawa ng ibunyag nila ang pagiging racist ng palasyo matapos na hindi kilalanin ang anak nila dahil sa ibang kulay nito.