Mahigpit ang ginagawang pagbabantay ngayon ng mga kinauukulan sa lahat ng karne ng baboy na pumapasok at idinadaan sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito’y upang masiguro na ligtas ang mga naturang produkto laban sa tinatawag na ‘african swine fever’ na sakit ng baboy .

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Provincial Veterinary Office – Assistant Vet Dr. Jovito Tabajeros, sinabi nitong pinaigting ang isinasagawang quarantine checkpoint at nagdagdag sila ng mga tauhan nila na magbabantay  lalung lalo na sa TPLEX at iba pang mga posibleng madaanan ng mga trak o sasakyan na may kargang baboy.

--Ads--

Dagdag pa ni Tabajeros na mga itinalagang mga beterinaryo sa mga quarantine checkpouint na siyang titingin kung authentuic ang mga papeles na dala ng mga biyahero