DAGUPAN CITY- Bubusisiin maigi ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City ang mga kwalipikadong scholar ng lungsod upang maiwasan na ang mga hindi inasahang pangyayari sa nagdaang taon.

Ayon kay Dagupan City Mayor Belen Fernandez sa kanilang regular session, na sa nagdaan taon ay nahirapan silang maghanap ng dokumento na nagpapatunay ng residency ng ilang mga scholar.

Binigyan halaga niya ang pagiging strikto sa mga aplikante ng scholar ay ang pagkakaroon ng transparency sa ordinansa ng pamamahagi ng scholarship sa mga mag-aaral na residente ng syudad.

--Ads--

Ito rin ay upang matiyak na ang pondo na inilalaan sa scholarship ay natatanggap ng mga dapat makatanggap nito.

Dagdag pa niya, kanilang mandato na i-update ang kanilang ordinansa para sa kapakanan ng kanilang nasasakupan.