Inihayag ng Qatar na kasalukuyan pa ring inaayos ang pagtatapos ng giyera sa pagitan ng Iran at US.
Ayon kay Qatari Foreign Ministry spokesman Majed al-Ansari na hindi maitatanggi na maraming mga naapektuhan na sa nasabing giyera.
Inihalimbawa nito na lubos na apektado ang energy supplies, food security, industry at global supply chains.
--Ads--
Mahalaga na ang mga opisyal ng Iran ay gumawa na agad ng desisyon para mailayo ang mga bansa mula sa giyera.
Tiniyak naman nito na gumagawa ng hakbang ang Qatar para magkaroon ng diplomatic resolution para maibalik ang freedom of navigation sa Strait of Hormuz.










