Handang handa na ang Qatar para sa gaganaping 2022 FIFA World Cup.
Ito ang pahayag ni Bombo International News Correspondent Drieza Alia na matapos aniyang mapili ang kanilang bansa para sa naturang internasyonal na kompetisyon ay agad na nagpatayo ang kanilang gobyerno ng mga infrastractures upang bumuo ng ng walong stadiums na siyang magsisilbing venue ng mga idaraos na labanan para sa 32 mga kuponan.
Aniya sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang mgakonstruksyon para sa mga lugar na tutuluyan ng mga kalahok sa FIFA World Cup 2022 at maituturing aniya itong kauna-unahang pagkakataon na maisasagawa ang World Cup sa panahon ng winter.
Dagdag rin nito na sabik na ang buong mundo para naturang aktibidad kung saan halos 100% na ng mga hotels sa bansa ang fully booked na.
Maituturing namang abot kaya ang halaga ng mga tickets para sa mga nagnanais na manood ng mga labanan kung saan ay tinatayang ang piakamababang presyo ng ticket ay nasa P500.
Hinimok naman nito ang publiko na manood hindi lamang upang bigyang suporta ang kanilang napiling kuponan bagkos ay upang makita ang ganda ng Doha, Qatar.
Paglilinaw rin nito na mababa ang mga naitatalang kaso ng Covid-19 kung kaya’t hindi ito magiging hadlang para sa matagumpay na pagdaraos nito.
Ito rin aniya ay nagbukas ng malaking oportunidad sa mga Pilipino matapos na mangailangan ng mga volunteers ang nabanggit na World Cup 2022.