BOMBO DAGUPAN – Patuloy na pagpapaigting ng kahandaan ng probinsya para matiyak ang kaligtasan ng bawat Pangasinense.
Nakipagpulong ang Pangasinan PDRRMO kay PDRRMC Chairman Gov. Ramon โMon Mon” V. Guico III kasama si PDRRMC Vice Chairperson Vice Gov. Mark Ronald DG Lambino kung saan natalakay ang hakbangin sa paghahanda para sa inaasahang epekto ng Bagyong โKristine.โ
Kasama rin sa naging usapin ang paglagda sa Abiso sa Publiko, na naglalaman ng mga mahahalagang paalala para sa kaligtasan ng mga Pangasinense.
Nananatiling nakaantabay ang lahat ng ating response clusters upang masigurong maipapatupad ang mga kinakailangang hakbang sa pagtitiyak ng kaligtasan ng lahat.
Una rito ay isinagawa ang Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) kasama ang PDRRMC Response Cluster.