Mas pinaigting pa ng hanay ng kapulisan ang kanilang mga hakbangin laban sa mga talamak na illegal gambling sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Atty. Elvin Cruz ang siyang Legal Counsel ng Grand 88 Gaming Corporation ng STL Pangasinan, na araw-araw ay may mga operasyon ang hanay ng kapulisan kontra sa mga illegal gambling sa probinsya partikular na sa mga peryahang bayan.

Simula aniya ng magsimula ang panunungkulan ni Governor Ramon Guico III ay dinoble pa ng Pangasinan PNP ang kanilang paghuhuli sa mga naturang ilegal na gawain.

--Ads--
TINIG NI ATTY. ELVIN CRUZ

Tulad na lamang ng naisagawang pagaresto sa isang peryahang bayan sa lungsod ng Dagupan nito lamang Linggo.

Aniya nasa anim na libong piso ang piyansa sa mga mahuhuling indibidwal kung kaya’t hinikayat nito ang publiko na sumama sa kanilang hanay na makatitiyak na rehistrado sa pamahalaan.