Tiniyak ni National Security Council Adviser and Director General Hermogenes Esperon Jr., na matagal na din aniya silang handa sa anumang banta ng terrorismo at nakaalerto ang hanay ng kapulisan at militar upang mapigilan ang anumang planong pag-atake ng mga ito sa bansa.
Tiniyak ni Esperon na walang dapat ikaaalarma at ikabahala ang publiko dahil naniniwala ito na may sapat na kakayahan ang Pilipinas upang mapigilan ang pag-atake ng terrorista sa pamamagitan ng combined security forces sa bansa.
May mga tumitigin na rin aniya sa mga grupong galing ng Jolo, Sulu at Basilan na nagtungo sa Manila para magtrabaho.
Sakali aniyang may tangka silang gumawa ng masama ay madali na silang hulihin.
Dagdag pa nito na wala pa silang namomonitor na konkretong plano o banta ng terrorista sa bansa.
Samantala manawagan naman si Esperon sa publiko na makipagtulungan sa otoridad sakaling mayroon silang makitang kahina-hinalang kilos ng sinuman para mapanatili ang seguridad sa isang lugar.