DAGUPAN CITY- Naghatid ng iba’t ibang serbisyong medikal at pang-edukasyon sa mga residente ng One Bonuan, kabilang ang mga bata, matatanda, at senior citizens sa pamamagitan ng ‘purok kalusugan’ ng local ng pamahalaan ng Dagupan.

Ang mga serbisyong hatid ay kinabibilangan ng medical check-up, dental check-up, immunization, vaccination, laboratory services, at libreng gamot.

Namahagi rin sila ng deworming tablets at libreng tsinelas para sa mga bata.

--Ads--

Bukod dito, may mga educational lectures sa road safety, hygiene, HIV awareness, at child protection. Layunin ng programa na protektahan ang kalusugan at kapakanan ng komunidad.

Sa ganitong paraan, ang “Purok Kalusugan” ay isang mahalagang programa na may positibong epekto sa komunidad.