DAGUPAN CITY– Patay ang punong barangay ng barangay zone 2 sa bayan ng Bayambang matapos pagbabarilin ng mga hindi kilalang suspek sa bayan ng Bautista Pangasinan.

Ayon kay Police Capt. Rodelio Labiano, Chief of Police ng Bautista PNP, ang biktima na si Richard Roldan, 44 anyos, may asawa at incumbent barangay chairman ng Zone 2, Bayambang.

Base sa initial na imbestigasyon, lulan ang biktima sa kanyang motorsiklo at binabagtas ang kahabaan ng national road ng barangay Ketegan sa bayan ng Bautista patungong East Direction nang ito ay tambangan ng mga salarin na sakay ng kulay gray na toyota innova na walang plate number.

--Ads--

Nagtamo ang biktima ng mga tama ng bala sa tiyan at agad na sinugod sa Sto Nino Hospital sa bayan ng Bayambang pero inilipat sa Family Blessed Hospital sa lungsod ng San Carlos.

Kalaunan ay ideneklarang patay habang ginagamot sa ospital ang naturang biktima.