Image © CartoonStock

Nahaharap sa kaukulang kaso ang isang punong barangay at kaniya umanong kalaguyo matapos silang mahuli sa loob ng isang hotel sa San Jose City Nueva Ecija.

Kinilala ang mga ito na sina Barangay chairman Librado Dulay, 58 anyos, at Ma. Cecilia Tubiera, 32 anyos.

Ayon sa impormasyon nasundan si Tubiera ng kaniyang mister habang sakay ng bus.

--Ads--

Pumuwesto ang kaniyang mister sa likuran habang rinig nito na makikipagkita si Tubiera kay Dulay sa isang hotel.

Nang makumpirma na nasa loob ng hotel si Tubiera at Dulay, tumawag ng mga pulis ang kaniyang mister.

Inabutang hubad pa si Tubiera habang tumakbo sa CR si Dulay nang pasukin ng mga pulis .

Sinampahan ng kasong adultery ang mga suspek.