Nananatiiling bakante ang puwesto ng liga ng mga barangay president bilang uupong board member ng Sanguniang Panlalawigan bilang ex officio member.

Ito ay makaraang mabakante ito nang pumanaw si board member Lito Peralta.

Ayon kay vice governor Mark Lambino, presiding officer ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan, base sa rule of succession ang vice president niya ang aangat bilang presidente. Siya ay kikilalaning acting president ng Liga.

--Ads--

Pero bago siya kilalanin sa Sangguniang Panlalawigan, kailangan umanong magsumiti ang Liga ng mga Barangay ng confirmation mula sa national Board.

Gayunman, sinabi ni Lambino na kinikilala pa rin nila ito bilang OIC kung may official communication na ipapadala sa liga ng mga barangay capaon.

Ngunit, sa pagiging sectoral representative ng mga barangay captain sa Lalawigan ay kailangan aniya ang nabanggit na dokumento para siya ay kilalanin na sectoral representative.

vice governor Mark Lambino