Patuloy parin ang paglobo ng mga binabantayang indibiduwal dito sa lalawigan ng Pangasinan dahil sa sakit na coronavirus disease-2019 (COVID-19).
Habang ginagawa ang artikulong ito, pumalo na sa 46,793 ang bilang ng mga Person Under Monitoring (PUM) o mga taong inoobserbahan ng DOH dahil sa pagkakaroon ng travel history sa mga lugar o nakasalamuha ng mga tao na apektado ng naturang sakit. 45,533 sa mga ito ay nasa ilalim parin ng 14 Days Quarantine habang ang 1,260 sa mga ito ay natapos na ang kanilang quarantine period.
Maging ang bilang ng mga Patient Under Investigation (PUI) o mga taong masusing minamatyagan ng DOH ang kondisyon dahil sa pagpapakita ng sintomas ng COVID-19. Habang 463 namang mga Person Under Monitoring (PUM) ay umakyat na sa 27. Kung saan isa sa mga ito ang nasawi habang 14 naman ang nananatili sa pagamutan bagamat mayroon naring 12 na nakalabas na ng pagamutan.
Una ng pinaalalahanan ni Provincial Health Office (PHO) Chief Dra. Ana Marie De Guzman, ang mga PUM na tapusin at mahigpit na sundin ang kanilang 14 days quarantine upang hindi na ito kumalat pa ang naturang virus sa probinsya.