Nagsagawa ng foot patrol at Oplan Bandillo ang mga tauhan ng Basista Municipal Police Station sa Basista Public Market sa Barangay Poblacion bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad.
Pinangunahan ang aktibidad ng mga tauhan ng himpilan sa ilalim ng superbisyon ni PMAJ Dexter A. Tayaba, Chief of Police, upang mapanatili ang presensiya ng kapulisan at matiyak ang kaligtasan at seguridad ng publiko, partikular sa mataong lugar.
Kasabay nito, pinaalalahanan ng mga pulis ang mga nagtitinda at mamimili na maging mapagmatyag laban sa mga insidente ng salisi, pagnanakaw at iba pang uri ng kriminalidad na maaaring mangyari sa pampublikong pamilihan.
Hinimok din ang publiko na tiyaking ligtas ang kanilang mga personal na gamit at agad na ipagbigay-alam sa pinakamalapit na pulis ang anumang kahina-hinalang kilos o aktibidad.
Bahagi ang nasabing operasyon ng patuloy na pagsisikap ng Basista MPS na palakasin ang police visibility at mapanatili ang kaayusan at seguridad sa komunidad.










