Agad binawian ng buhay ang isang pulis habang kritikal ang kanyang kapatid matapos tumilapon sa motorsiklo nang sumalpok sila sa road signage ng Maragondon, Cavite.

Nakilala ang namatay na biktimang si Patrolman Thom Nueva, 24, binata, nakatalaga sa Special Action Force ng NCRPO habang sugatan naman ang kapatid nito na si John Nueva, 22.

Nabatid na minamaneho ng pulis ang kaniyang motorsiklo nang hindi napansin ang signage ng kalsada na “repair/re-blocking” kaya sumalpok dito.

--Ads--

Sa lakas ng impact, tumilapon ang dalawa at kapwa nadala agad sa San Lorenzo Hospital pero dahil sa matinding pinsalang tinamo ay hindi na umabot nang buhay ang nasabing pulis.

Patuloy namang nagpapagaling ang kapatid nito sa ospital.