DAGUPAN CITY– Nagdadalang tao ang 23 anyos na empleyado ng Provincial Social Welfare and Development Office na pinagbabaril ng kaniyang kasintahang pulis sa lungsod ng San Carlos noong nakaraang Linggo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Alvin Soriano, tiyuhin ng biktimang si Renalyn Aquino base sa narekober na cellphone ng pamangkin na nakuha sa pangangalaga ng suspek na si Patrolman Tranquilino Sanchez Germono nakita ang palitan nila ng mensahe kung saan ipinapaalam ng biktima ang pagdadalangtao nito.

Nakipagkita umano ang biktima sa suspek sa kagustuhan na rin na maayos ang problema ngunit nais ng pulis na ipalaglag ang bata sa kanyang sinapupunan.

--Ads--
Dr. Alvin Soriano, tiyuhin ng biktimang si Renalyn Aquino

Natuklasan din nila na hinuhuthutan ng suspek ang biktima patunay ang mga resebo ng padala mula Abril hanggang Hunyo na umaabot ng P11,500.

Dr. Alvin Soriano, tiyuhin ng biktimang si Renalyn Aquino

Tinawag pa nitong walang kunsensiya ang pulis dahil batid na nitong may bata sa sinapupunan ng pamangkin na anak pa nito ay nagawa pa niyang barilin sa ulo ng dalawang beses habang nakatalikod si Renalyn.

Dr. Alvin Soriano, tiyuhin ng biktimang si Renalyn Aquino

Nauna rito sa isinagawang imbestigasyon ay natukoy si Germono na sakay ang biktima papasok sa Brgy Cacaritan kung saan natagpuan ang bangkay nito.

Natagpuang nakahandusay sa gild ng kalsada ang biktima na nagtamo ng 2 tama ng baril sa kaniyang ulo.

Naaresto si Germono at sumailalim na sa inquest proceedings noong July 8.