DAGUPAN CITY–Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng kapulisan sa nangyaring insidente ng pamamaril sa isang police officer sa Brgy. Nalsian sa bayan ng Calasiao Pangasinan.

Sa bahagi ng naging pahayag ni P/Lt Col Joseph Fajardo Jr , hepe ng Calasiao PNP nakilala ang biktima na si PSMsgt. Raul Cayabyab, na kasalukuyang nakadestino sa Urdaneta PNP at residente sa bayan ng Bayambang.

Sa inisyal na imbestigasyon ay lumalabas na bago mangyari ang insidente ay sakay ang biktima ng kaniyang kotse kasama ang anak nito at patungo sa isang bangko upang ipalit sana ang tseke para sa scholarship ng kaniyang anak . Ngunit dahil sarado na ang bangko sa kanilang pagdating ay napagpasyahan na lamang nila na kumain sa isang karinderya ngunit dito na siya pinagbabaril ng mga suspek na lulan ng isa ring kotse.

--Ads--

Habang nagpapaputok ng baril ang mga suspek ay agad naman ding pinaharurot ng biktima ang kaniyang sasakyan patungo sa Calasiao POlice station at kasunod nito ay dito narin tumakas ang mga suspek.

P/Lt Col Joseph Fajardo Jr , Chief of Police -Calasiao PNP

Rumesponde naman ang mga otoridad sa crime scene at narekober ang sampung empty shells ng cal. 9mm.

Pinag aaralan narin ang kuha ng mga CCTV cameras na maaring makadagdag sa mga ebidensya sa ginawagang imbestigasyon dito.

Samantala, maswerte namang hindi nasaktan ang biktima pati narin ang anak nito na kasama ng mangyari ang pamamaril.

P/Lt Col Joseph Fajardo Jr , Chief of Police -Calasiao PNP

Blangko parin naman sa ngayon ang Calasiao PNP sa motibo sa pamamaril sa biktima ngunit tinitignang anggulo dito ay maaring personal o mayroong kinalaman sa trabaho nito bilang isang pulis.