Kasong robbery extortion at administratibo ang kinakaharap ng isang kasapi ng PNP matapos maaresto kaugnay sa kanyang mga extortion activities sa bayan ng Balungao Pangasinan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Police Captain Mae Ann Cunanan, Public Information Officer ng Integrity Monitoring Enforcement Group o IMEG sa Camp Crame, naglunsad ng entrapment operation ang IMEG, kasama ang PRO 1 Regional Intelligence Division at Pangasinan Police Provoncial offce laban kay Police Master Sgt. Aurelio Pene.

Ito ay kasunod ng intelligence report hinggil sa extortion activities ni Pene.

--Ads--

May nagsumbong umano na siya ay hinihingan ng pera ni Pene kapalit ang pagtanggal ng pangalan nya sa umano’y pagkakasama sa watchlist ng Police Regional Office 1.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ang pamunuan ng PNP ng malalimang imbestigasyon para malaman kung may iba pa siyang kasabwat.

Police Captain Mae Ann Cunanan, Public Information Officer ng Integrity Monitoring Enforcement Group o IMEG Camp Crame

Hinihikayat naman ni Cunanan ang iba pang nabiktima ng nasabing sarhento sa paghuhuthot ng pera na lumantad din.