Nag negatibo sa Covid- 19 virus ang isang PUI na nasawi at tatlong iba pang PUI na mula sa ibat ibang barangay dito sa lungsod ng Dagupan.

Ayon sa pinadalang resulta ng Research Institute for Tropical Medicine, lumalabas na negatibo sa covid -19 virus ang 38 anyos na lalaking pasyente na PUI na nasawi noong March 31 habang ginagamot sa Pangasinan Provincial Hospital in San Carlos City.,

Ang pasyente na residente ng Sitio Cacayat sa Barangay Mayombo, ay walang travel history at wala ring exposure sa sinuman na person under monitoring o investigation o sa taong mayroong Covid-19 case.

--Ads--

Nagnegatibo rin sa covid-19 virus ang tatlong iba pang PUIs. Ito ay kinabibilangan ng 47 anyos na lalaki mula sa Barangay Poblacion Oeste, na naka confine ngayon sa Region 1 Medical Center , 30 anyos na lalaki mula sa barangay Pogo Chico na kasalukuyang naka home quarantine, at 35 anyos na lalaki mula sa Barangay Tebeng, na kasalukuyan ding naka home quarantine.

Dahil dito, nasa 16 mula Sa kabuoang 38 na PUI sa lungsod ang nagnegatibo sa Covid-19 virus habang may tatlong iba pa ang naghihntay sa resulta ng test.