Isang 74- anyos na balo na kabilang sa mga patient under investigation o PUI ang pumanaw nitong Easter Sunday ,matapos ang tatlong araw na pagkakaratay sa ospital dito sa lungsod ng Dagupan.

Ang lalaki na residente ng Barangay Lucao, ay pang anim na PUI death na naitala dito sa lungsod.

Ayon kay Dr. Ophelia Rivera, covid 19 focal person sa lungsod, ang pasyente ay inadmit sa Region 1 Medical Center noong April 9 at nasawi dahil sa pneumonia nitong April 12. Nabatid na wala itong travel history .

--Ads--

Sa ngayon ay nagsasagawa ang mga medical workers mula sa Department of Health (DOH) at City Health Office ng contract tracing sa mga nakasalamuha nito.

Hinihintay pa ang resulta ng kanyang throat swab test .

Samantala, isa namang PUI mula sa brgy. Magsaysay sa bayan ng Labrador ang nasawi habang hinihintay pa ang resulta ng pagusuri sa kanya.

Dahil dito, ipinatupad ang total lockdown sa nasabing barangay’