Mga kabombo! Munting paalala sa mga pupunta sa dagat para mag-unwind, baka kasi maging instant “kontrabida” ka pa sa mata ng mga pugita?

Paano ba naman kasi, lumalabas na kapag ginalit daw ang mga ito ay tatandaan nila kayo!

Ito ang naging konklusyon ng mga marine biologists matapos mapatunayan na ang mga octopus o pugita ay may kakayahan magtanim ng sama ng loob, kumilala ng mukha ng tao, at mam-bully ng kapwa nila lamandagat dahil lamang sa inis.

--Ads--

Base sa pag-aaral ang mga pugita ay hindi lamang basta umaaksiyon base sa instinct; sila ay may kumplikadong utak na may kakayahang magproseso ng emosyon at memorya para madetermine ang “mabait” at “masama”.

Napatunayan ito sa isang eksperimento sa Seattle Aquarium gamit ang mga giant Pacific octopus.

Kung saan, dalawang magkaibang tao ang nakipag-interact sa mga pugita.

Ang isang tao ay nagsilbing “mabait” na tagapag-alaga na nagbibigay ng pagkain.

Ang ikalawang tao naman ay nagsilbing “masama” na tinutusok sila ng stick.

Ang nakakabiglang pangyayari ay agad na natuklasan matapos mabilis na natutunan ng mga pugita na kilalanin ang pagkakaiba ng ka­nilang mga mukha.

Sinubukan muli ito matapos ang ilang linggo, lumalapit ang mga pugita sa mabait na tao, ngunit nagtatago naman o bumubuga ng tubig kapag nakikita ang “masama”.

Marami ring anecdotal reports mula sa mga aquarium sa buong mundo kung saan may mga pugitang namimili ng “target”.

Hihintayin nilang dumaan ang partikular na staff o volunteer na ayaw nila, at saka ito bubugahan ng tubig sa mukha habang hindi naman pinapansin ang ibang tao.