DAGUPAN CITY– Pinaalalahanan ang publiko ni Dr. Cesar Guico, Chief of clinic sa Region I Medical Center na huwag magpanic sa kabila ng pagkumpirma ng RIMC ng kauna unahang kaso ng Person Under Investigation o PUI dito sa lalawigan ng Pangasinan matapos makitaan ng ilang sintomas ng Novel Corona Virus.

Ayon kay Guico, dahil pabago bago ang panahon ay marapat na palakasin ang resistensya ng katawan natin. Hindi pa pinangalanan ang pasyente para hindi magpanic ang publiko habang hinihintay pa ang resulta at hindi pa naman kumpirmadong kaso ng corona Virus.

Nabatid na nagpakonsulta ang 28 anyos na Pinay mula Taiwan sa RIMC kaya inadmit at inilagay sa isolation room.

--Ads--

Ginawa ang initial test para sa pasyente kung saan kasalukuyan pang hinihintay ang resulta.

Ang mga kamag-anak na naexpose o nakasalamuha ng Pinay na PUI ay pinayuhan na manatili muna sa bahay,iwasang pumunta sa mga matataong lugar at kumain ng mga masustansyang pagkain.

Dr. Cesar Guico, Chief of clinic – Region I Medical Center

Pinaalalahanan naman nito ang publiko ang kahalaganan ng tamang hygiene, gumamit ng tissue kapag bumabahing at umuubo gayundin na ugaliing huwag dumura sa pampublikong lugar.