Dagupan City – Pinag-iingat ng Ban Toxic ang publiko sa pagkalat ng mga china made battery sa bansa na maaaring naglalaman ng mga harmful chemicals tulad ng led, cadmium at mercury na maaaring magdulot ng kapahamakan sa kalusugan.
Ayon kay Toni Dizon, campaigner ng Ban Toxic, dapat dumaraan sa quality at safety standards ng mga regulatory agencies ang mga china made batteries sa bansa tulad ng Food and Drugs Administration (FDA), Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa kapahamakan na maaaring maidulot nito.
Nilinaw din nito na bagama’t ito ay hindi naman talaga totally banned ng mga awtoridad ang mga nasabing produkto, dahil mayroon din umanong mga legitimate na battery brand sa binababa sa bansa, sinabi nitong kailangan pa rin umano ang ibayong pag-iingat lalo na at ang mga nasabing baterya ay maaaring magtaglay ng mataas na concentration ng mga harmful chemicals tulad ng led, cadmium at mercury na maaaring magdulot ng kapahamakan sa kalusugan.
Aniya, mahalaga ang pagbabantay sa mga nasabing produkto dahil sa talamak na pagkalat nito sa mga pamilihan sa bansa, tulad na lamang sa bangketa at online kung saan kapansin-pansin na mabibili ito sa murang halaga.
Madalas din umanong makita ang ganitong mga baterya sa loob ng ilang mga battery operated na laruang bambata at mga remote controls, kung kaya’t panawagan nito na sa regulatory agencies na dapat mas pag-igtingin pa ang pagbabantay sa ganitong mga produkto lalo na at lagi itong ginagamit sa pang araw-araw na pamumuhay.
Kaugnay nito, ibayong pag-iingat ang payo ng campaigner dahil kasama ang baterya sa mga volume ng electronic waste o e-waste na maaaring makaapekto sa ating kapaligiran at kalusugan. (Luz Casipit)