Pinag iingat ang publiko ng Office of the Civil Defense Region 1 at lumikas na kung kinakailangan dahil sa naranasang pagbaha na dala ng bagyong Emong.
Ayon kay Adreanne Pagsolingan Public Information Officer , Office of the Civil Defense Region 1 sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan,
nakakaranas ng katamtaman hanggang sa malakas na ulan at pabugso bugsong hangin ang maraming lugar sa rehiyon.
Base sa kanilang tala ngayong umaga, ang natatanggap lamang nila, nasa 30 bahay ang nasira, 25 partially damage at 5 ang totaly damage.
Samantala sa agrikultura naman ay nasa mahigit 285,000 ang pinsala, mahigit 314 million sa imprasraktura.
Samantala sa bilang ng mga casualties, ang tanging nasa talaan pa nila ay 1 nasugatan.
Sa ngayon ay wala pa silang natatanggap na report ng pinsala mula sa mga local na pamahalaan dahil nakapokus sila ngayon sa pagligtas sa buhay ng kanilang mga nasasakupan.