Pinag iingat ng isang Cyber Security Specialist ang publiko sa mga nakukuhang information online dahil minsan ay hindi tunay ang larawan o video kundi generated ng artificial intelligence o AI.

Ayon kay Tzar Umang – Cyber Security Specialist, sa panayam ng Bombo radyo Dagupan, mapanganib ang deep fake dahil hindi agad agad na nakikita ng mga regular viewers kaya dapat maging maingat.

Bilang isang eksperto, nalalaman nilang hindi totoo ang isang video, kapag hindi sumasabay ang bibig sa salita at masyabong malabo.

--Ads--

Para makita ang kaibahan ng totoo o hindi makikita aniya sa galaw ng ulo. Hindi umano ito makita sa mga mismong mata natin pero pag idinaan sa mga tools ay makikita ang mukha na hindi umaayon sa galaw ng bibig at ang paggalaw ng mga mata.

Nagbabala rin si Umang na maaaring gamitin ito sa darating na eleksyon para siraan ang isang tao at maging ang kanyang pagkatao.

Kaugnay naman sa video kung saan sumisinghot umano ng ilegal na droga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sinabi ni Umang na nalaman ng mga fact-checkers na ito ay fake.

Ipinaliwanag niya na may teknolohiya na ginamit upang i check ang integridad ng nasabing image o video.

Matatandaan na napatunayan na ng mga eksperto sa digital media at artificial intelligence (AI) na fake ang kumalat na video ng pangulo noong Hulyo kung saan sumisinghot umano ng ilegal na droga.

Sa pamamagitan ng paggamit ng tinatawag na SensityAI, nadiskubre na ang “polvoronic video” ay malisyoso at nagpapakita ng senyales ng manipulasyon na tinawag na “face swap”.