Nagpaalala ang Pangasinan Police Provincial Office sa mga motorista na panatilihin ang kalmado sa pagmamaneho upang maiwasan ang “road rage,” na maaaring humantong sa hindi magandang sitwasyon.

Ayon sa opisina , iwasan ang mga aksyon na maaaring makainsulto o makagalit sa ibang motorista.

Sa halip, maging mapagpasensya at mapagpatawad sa mga pagkakamali ng iba, at huwag patulan ang mga provokasyon.

--Ads--

Dagdag pa, mahalaga na maging responsable at maging kalmado sa pagmamaneho upang maiwasan ang anumang hindi pagkakaunawaan o gulo sa kalsada.