Pinaalalahanan ni Dr. Gilbert Rabara, Chief ng Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory ang publiko na magdoble ingat at iwasan ang makagat ng alagang aso lalo na ngayong summer season.
Kasunod na rin ito ng pagtaas ng bilang ng mga alagang hayop na nagpopositibo sa naturang sakit.
Ayon kay Rabara, mainam na maging maingat sa lahat ng oras upang maiwasan na mabiktima ng nakamamatay na rabies lalong lalo na sa mga kabataan.
Dagdag pa nito, iwasan ang paghawak sa mga asong gala o anumang hayop na may sakit.
Kasunod nito ay ang paalala ni Rabara sa mga pet owners na maging responsable sa lahat ng pagkakataon.
Aniya, hindi dapat hayaan ng mga ito na pagala-gala lamang ang kanilang mga alaga.
Dapat din umanong pabakunahan ang mga aso laban sa rabies pag sila ay may talong buwan na at kada anim na buwan o isang taon pagkatapos ng unang bakuna. with reports from Bombo Lyme Perez