Hinikayat ang publiko ni Bernard Tuliao, presidente ng Alliance United Transport Organization Provincewide O AUTOPRO Pangasinan na ireklamo ang mga passenger jeepneys na sobrang maningil ng pamasahe.

Sa ekslusibong panayam ng bombo Radyo Dagupan kay Tuliao, sinabi nito na dapat maglagay ng fare matrix o taripa sa mga jeep para malaman ng mga pasahero kung magkano talaga ang aktuwal na pamasahe.

Hinimok niya ang mga mananakay na kuhanan ng larawan ang plate number ng jeep at ibigay sa kanilang opisina. Maaring ipadala rin sa social media o messenger nang magkaroon ng basehan ang reklamo at nang ito ay maaksyunan.

--Ads--

Reaksyon ito ni Tuliao sa mga reklamo na kanilang natatanggap na hindi na nasusunod ang aktuwal na singil sa pasahe gayung nadagdagan na ang kapasidad ng mga pasahero kasunod ng pagluluwag ng mga restrictions. Bukod riyan ay may natatanggap pa silang ayuda mula sa DOTr.

Kaugnay nito ay nakatakdang kausapin ni Tuliao ang transport group sa lalawigan.