Hinikayat ang publiko ni Dr. Francisco Sarmiento III, Program Manager ng Philippine Network Organ Sharing o PhilNos na panatilihin ang tiwala sa sistema ng Philhealth sa kabila ng mga kinakaharap nitong kontrobersiya.
Aniya, hindi naman sa Philhealth ang mismong pinag mulan ng problema kundi dahil sa mga tiwaling nasa labas na nadadamay ang iba.
Dahil dito, naging higit na kawawa ang mga pasiyente noon dahil inalis na ang dialysis accreditation kung kayat napipilitan na maghanap ng ibang dialysis clinic ang mga pasiyente.
--Ads--
Hinikayat ni Sarmiento, ang publiko na hanggat maaari ay panatilihin ang tiwala sa Philhealth dahil sa magandang intensiyon at layunin nito maski ito’y inaaabuso na ng mga nasa labas.