DAGUPAN CITY- Mag-aalok ng iba’t ibang trabaho ang Public Employment Service Office (PESO) sa Manaoag para sa mga residente ng bayan.

Bukas ang oportunidad para sa mga gustong mag-apply bilang Cook, Utility/Helper, Documentation Assistant, Marketing Assistant, Company Driver, Production Helper, Housekeeping, Private Cook, at Service Crew.

Ayon sa anunsyo, ang mga interesado ay inaanyayahang magdala ng kanilang updated resume sa PESO Office sa may 3F ng BOSS Building sa darating na Hunyo 24, 2025, alas-9 ng umaga pataas.

--Ads--

Magsisilbi itong isang pagkakataon para sa mga mamamayan ng Manaoag na naghahanap ng trabaho upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Layunin ng ganitong kaganapan na matulungan ang mga job seeker na makakita ng oportunidad upang maiangat ang kanilang buhay sa pamamagitan ng bagong trabaho.