DAGUPAN, CITY— Nasungkit ng isang unibersidad sa lalawigan ng Pangasinan ang isang pagkilala sa mga natatanging mga Campus Journalist, Adviser, at School Publication sa buong bansa.
Natanggap ng Pangasinan State University-Urdaneta ang parangal sa National Gawad Diyornalismo 2020 kung saan ang kanilang opisyal na dyaryong pang-unibversidad na Technoscope Publications bilang Outstanding Campus Publication of the Philippines- College level.
Bukod pa rito, nabigyang pagkilala rin ang School Paper Adviser nito na si John Mark Haban bilang Outstanding School Paper Adviser of the Philippines, at maging ang Associate Editor nito na si Gaea V. Guarin Outstanding Campus Journalist of the Philippines-College level.
Ang paggawad ng pagkilala sa naturang publikasyon ay ginanap virtually sa pamamagitan ng Zoom App noong Hulyo 25, sa Awards Night ng National Gawad Diyornalismo 2020 na may temang, “Campus Journalism: An Effective Instrument for Development Communication and Information Literacy.”
Kinilala ang naturang publikasyon dahil kwalipikado itong kabilang na ng hindi baba sa tatlong taon at nagwagi ng mga regional awards kung saan umaabot din ito sa national level ng kahit anumang patimpalak na may kaugnayan sa dyornalismo.
Ang naturang parangal ay inorganisa ng Asia Pacific Awards Council, Inc. at Center for the Promotion of Campus Journalism, Inc. na kilala bilang mga organisasyong masusing kumikilatis ng mga entries upang mapili ang karapat dapat na mga organisasyon at individiwal sa buong bansa at maging sa mga rehiyon dito sa Asia.
Dagdag pa rito, ang iba pang mga organisasyong kasama nilang kinilala ay mula sa bansang Thailand at Vietnam.
Ang Gawad Dyornalismo (GD) ay isang pagkilala sa mga Campus Journalists, Campus Paper Advisers, School Principals, Supervisors and College Deans para sa kanilang ipinamalas na dedikasyon at husay sa larangan ng Scholastic Journalism Excellence sa bansa.