Dagupan City – Kinilala ang Pangasinan State University bilang isa sa Top 3 Performing State Universities sa Pilipinas matapos nitong makapagtala ng mataas na bilang ng Level III accredited programs para sa taong 2025.
Iginawad ang parangal ng Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities in the Philippines noong Marso 24, 2026 sa ginanap na ika-39 na Annual National Conference and General Assembly sa Century Park Hotel.
Pinangunahan ni PSU President Dr. Elbert M Galas ang delegasyon ng unibersidad sa pagtanggap ng pagkilala, kasama ang Former PSU President, Dexter R Buted.
Naging mahalaga rin ang ambag ng pamunuan sa quality assurance, kabilang sina Celeste T Mercado at William V Cayetano, sa pagpapatupad ng mga pamantayan para makamit ang nasabing tagumpay.
Ayon sa pamunuan, ang pagkilalang ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng buong komunidad ng PSU at patunay ng kanilang patuloy na paghahatid ng dekalidad na edukasyon.
Itinuturing din itong mahalagang hakbang sa pagpapatibay ng reputasyon ng unibersidad bilang isa sa mga nangungunang state universities sa bansa.










