DAGUPAN, CITY— “Mas matindi sa ngayon ang hagupit ng COVID-19 sa lalawigan ng Pangasinan.”

Ito ang pahayag ni Pangasinan Governor Amado I. Espino III matapos ang sunod sunod na pagtaas na kaso ng COVID-19 sa probinsya sa mga nakalipas na mga araw.

Ayon kay Gov. Espino, nakakaalarma ang patuloy na pagtaas ng kaso ng naturang sakit sa lalawigan dahil base sa mga datos sa mga nakalipas na 5 araw, ay nakapagtala ng all time high cases ang probinsya.

--Ads--

Aniya, makikita talaga ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan dahil simula noong linggo ay nakapagtala ng 202 new confirmed cases, habang 317 noong lunes, 344 noong martes, 489 noong miyerkules, at 592 kaso noong huwebes.

Ang naturang bilang ay tinalo ang regular na bilang ng kaso na naitatala sa lalawigan sa loob ng isang buwan mula nang magsimula ang pandemic.