Dagupan City – Naghahatid ngayon ang bagong 55-metrong kongkretong kalsada na proyekto ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas mas ligtas at maayos na paglalakbay sa mga residente ng Barangay Lungao at Barangay Salingcob.
Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng kanilang alkalde na mapabuti ang imprastraktura ng bayan.
Ayon kay Mayor Enriquez, ang proyektong ito ay hindi lamang nagpapabuti sa kalidad ng transportasyon kundi nagbubukas din ng mas maraming oportunidad para sa pag-unlad ng ekonomiya sa lugar.
Mas mapapadali aniya ang pagdadala ng mga produkto at serbisyo, na makatutulong sa paglago ng kalakalan at turismo.
Nabawasan din ang panganib sa paglalakbay, lalo na sa mga panahon ng masamang panahon.
Lubos naman ang pasasalamat ni Punong Barangay Noel Ortiguero sa suporta ni Mayor Enriquez sa pagsasakatuparan ng proyekto.
Sinabi niya na malaking tulong ito sa kanilang barangay at sa mga residente nito.
Ang pagbubukas ng bagong kalsada ay isa pang patunay ng dedikasyon ni Mayor Enriquez sa pagpapaunlad ng San Nicolas.