DAGUPAN, City- Maigting ang isinasagawang inspeksyon ng hanay ng Provincial Veterinary Office ng lalawigan ng Pangasinan kontra sa banta ng pagpasok ng Avian influeza at African Swine Fever.
Ayon kay Dr. Arcely G. Robeniol, ang Officer in Charge ng nabanggit na tanggapan, bagaman wala pang naitatalang napakasok o kaso ng naturang mga sakit sa probinsya, kanila pa rin sinisiguro ang pagbabantay sa mga quarantine checkpoints upang mainspeksyon ang mga dumadating na poultry at meat products sa lalawigan.
Aniya, batay sa mandato ni Governor Ramon “Mon-Mon” Guico sa pamamagitan ng Executive Order NO. 0005, series of 2023 ipinag-utos ang ilang poultry products tulad ng pato, quails, spent hens (culled), hatching eggs, pigeons, gamefowls at ready to lay pullet(rtl), at maging ang restriction ng galaw ng mga ibon at by products mula sa mga lalawigan ng Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Laguna, Sultan Kudarat, Benguet, North Cotabato, South Cotabato, Maguindanao, Isabela, Rizal, Quezon, Kalinga, Aurora, Ilocos norte at Ilocos sur.
Magtatagal naman hanggang March 2, 2023 ang nasabing kautusan ng probinsiya.
Hinahanapan ang mga ito ng veterinary health certificate at veterinary shipping permit. Habang hinahanapan naman ng certificate of meat inspection ang mga frozen at poultry meat products.
Dagdag pa rito, maliban sa mga itinakdang Animal quarantine checkpoint, nagdagdag pa ang naturang ahensiya ng isang lokasyon partikular sa Barangay Salavacion sa bayan ng para maitiyak na ang mga ipapasok na poultry at pork product sa Pangasinan ay ligtas mula sa mga nabanggit na sakit.