Nanatiling walang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa mga alagang baboy sa lalawigan ng Pangasinan.
Ito ang nilinaw ni Dr. Jovito Tabajeros mula sa Pangasinan Provincial Veterinary Office kung saan aniya ay wala dapat na ikabahala publiko dahil masusi ang kanilang isinasagawang monitoring sa lahat ng mga bayan at lungsod sa probinsya.
Saad pa nito na wala pa sila anumang naitatalang anumang sakit at peste sa livestock at poultry sa Pangasinan.
Dagdag pa nito na tuloy-tuloy rin ang kanilang isinasagawang education campaign at gayundin sa bio security measures sa mga nag-aalaga ng baboy para maiwasan na makapagtala ng kaso ng ASF sa probinsya.
Samantala isinaad naman nitong naging matagumpay ang sentinelling program ng kanilang hanay na nagresulta para mas lumawak pa ang industriya ng babuyan sa lalawigan.