Puspusan na ang paghahandang ginagawa ng Provincial Tourism sa Alaminos City para sa pagsalubong sa Semana Santa sa buwan ng Abril.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Mike Sison, ang siyang city tourism officer ng naturang syudad, sa kasalukuyan ay inuuna na nila ang pagsasagawa ng training at orientation para sa kanilang mga bagong assistant boat men.

Pagbabahagi rin ni Sison na sa darating na Marso 20 hanggang 25 ay magkakaroon ng safety measure training at kasama sa kanilang tatakayin ay ang fire prevention at patakaran sa darating na holy week.

--Ads--

Bago aniya mangyari ang pandemya ay umaabot sa 5,000 hanggang 10,000 katao ang kanilang guests kada araw kaya ganito rin aniya ang bilang na kanilang inaasahan sa ngayon na dadagsa sa Hundred Islands.

Mayroon aniyang bagong isla na kanilang binuksan na konektado sa tabi ng Pilgrimage island at kanila itong tinatawag bilang Gramos Island at pupwede umanong bisitahin ito ng mga turista kung saan maaari nilang makita sa 180 degree view ang hundred islands.

Bukas din dito ang bon sai garden, water falls at coffee shop.
Inaanyayahan naman nito ang mga turista na maaga ng mag-book ng kanilang hotel na tutuluyan kung balak ng mga itong magbakasyon.

Maaari rin aniya silang kumonsulta sa kanilang tourism office upang matulungan nila ang mga itong maghanap ng mga hotels na maaari nilang matuluyan.

Inaasahan din nila na magkakaroon ng fully booked ang mga ito sa araw na iyon.

Samantala wala pa aniya silang iniimplementang bagong ordinansa kung magkakaroon ba ng karagdagang bayad sa mga motor boat kung kaya’t mananatili pa rin sa dating presyo ang kanilang singil.

TINIG NI MIKE SISON