Inalerto ng Provincial Health Office (PHO) ang hanay ng otoridad kasunod ng pagkakatala ng apat na kaso ng fireworks related injuries ang probinsya ng Pangasinan.

Nabatid na matapos manawagan sa mga magulang, iginiit din ni Provincial Health Officer Dr. Anna Maria Teresa De Guzman, na kinakailangan ding mas maging strikto ang mga partner agency ng kanilang tanggapan tulad ng PNP at BFP na matutukang mabuti ang mga bentahan ng paputok.

Aniya, dapat na masiguro na pasok sa standards ang mga ibinibentang paputok sa designated areas at hindi mga ipinagbabawal na paputok.

--Ads--
Provincial Health Officer Dr. Anna Maria Teresa De Guzman

Nabatid na kabilang sa ginamit na paputok ng mga biktima ay kinabibilangan ng Kwitis, 5-Star at 2 Boga na nahahanay sa mga ipinagbabawal na paputok.

Pinatututukan naman ni Dr. De Guzman sa mga barangay officials ang posibleng pagbebenta ng paputok sa mga bahay-bahay.

Samantala, bagamat magtatalaga ang mga Local Government Units (LGUs) ng mga designated areas o firecracker zone kung saan doon lamang maaaring magpaputok, dahil hindi pa aniya natatapos ang pandemya kayat mas mainam na ipagbawal na lamang din ito.

Provincial Health Officer Dr. Anna Maria Teresa De Guzman