Wala pang naitatalang omicron variant dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Provincial Health officer Dr. Anna Marie de Guzman, wala pang official na pahayag ang DOH o datos ng pagkakaroon ng nasabing variant sa lalawigan.

Gayunman, may pananaw si de Guzman na may omicron variant na sa lalawigan dahil sa pagtaas ng kaso ng covid 19 sa Pangasinan .

--Ads--

Marami aniyang bisita mula sa ibang probinsya at NCR ang nagtungo sa lalawigan sa nakalipas na holiday season.

Umaasa naman si De Guzman hindi na tataas pa ang kaso sa lalawigan.

Provincial Health officer Dr. Anna Marie de Guzman

Giit niya na kailangan ang karagdagang paghihigpit sa mga borders dahil inilagay na sa alert level 3 ang buong lalawigan. Dapat bawasan ng hanggang 30 percent ang kapasidad sa mga venues at pampublikong sasakyan.

Ang puwede lang lumabas ay mga edad na pinapayagan.

Samantala, sa darating na Lunes, inimbitahan si de GUzman ng Provincial board upang pag usapan ang susunod na gagawing hakbang ng local IATF para mapigilan ang pagtaas ng kaso.

Provincial Health officer Dr. Anna Marie de Guzman