Nagpaliwanag si Provincial Health officer Dr. Anna Marie de Guzman kung bakit dumami ang bilang ng mga asymptomatic cases sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay de Guzman, sinabi nito na sa una ay inantay ang pasyente na pumunta ng hospital, subalit nang mapababa ang kaso ng covid 19 sa lalawigan ay nagdisisiyon si Pangasinan governor Amado Espino III na isulong ang expanded testing or mass testing na naglalayong matukoy ang mga taong mayroong mild pui at pums sa mga munisipyo at siyudad kung saan kasama sa mga isinalang sa test ang mga frontliners kaya nagkaroon ng pagtaas ng kaso ng covid19.
Pinawi naman ni de Guzman ang pangamba ng publiko dahil ang hangad ng gobernador ay masuyod ang buong lalawigan upang malaman ang tunay na situwasyon ng lalawigan.