BOMBO DAGUPAN – Ikinagalak ng Provincial Government of Pangasinan, ang pagkakatala ng lalawigan bilang pangalawang top destination for domestic travelers sa bansa noong 2022 ayon sa 2022 Household Survey on Domestic Visitors ng Philippine Statistics Authority.

Sa nasabing survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) na inilabas nitong Mayo, nangunguna ang National Capital Region na mayroong 10.4 percent, pumapangalawa ang Pangasinan na mayroong 5.4 percent at pangatlo ang Cebu na mayroong 6 percent.

Ang iba pang top destinations para sa local tourists ay ang Benguet, Laguna, Batangas, Quezon, Albay, South Cotabato at Rizal.

--Ads--

Ayon kay Pangasinan vice governor Mark Ronald Lambino, ang survey ng Philippine Statistic Office ay nagpapakita na mayroong potential ang lalawigan ng Pangasinan.

Bagamat may kakulangan aniya sa mga imprastraktua ng lalawigan ay naging target destination ang lalawigan

Inaasahan aniya na mas dadami pa ang bilang ng lokal at dayuhang turista na magtutungo dito sa lalawigan lalo na kapag nakumleto ang mga major imprastructure projects.

Ani Lambino, ang pagdami ng mga turista ay may positibong epekto naman sa ekonomiya ng probinsya at ang mabebenipisyuhan ng malilikom na buwis ay mga mamamayan rin mismo.