Patuloy na hinihintay ang approval ng national IATF sa panawagan ng provincial government na mag higpit ng community quarantine sa general quarantine o GCQ with hightened restrictions.
Ayon kay Provincial Health officer Dr. Ana Maria Teresa de Guzman, humiling si provincial gov. Amado Pogi Espino III ng mas mahigpit na restrictions upang mapababa ang kaso at mapabagal ang transmission ng covid 19.
Muli nanawagan si de Guzman sa publiko na tangkilikin ang pagbabakuna.
May mga parating aniya na mga bakuna at panawagan nito na huwag mamili dahil lahat ng bakuna ay dumaan sa mga eksperto at ligtas na gamitin.
Muli rin niyang ipinaalala na patuloy na gumamit ng face mask, iwasan ang pagsasama kahit sa kainan, at importante ang physical distancing at paghuhugas ng kamay.