BOMBO DAGUPAN – Muling sinuportahan ng Provincial Government ng Pangasinan ang mga Micro Small Medium Enterprises (MSME’s) sa Manila Fame 2024 sa World Trade Center sa lungsod ng Pasay.
Ayon kay Dr. Arlyn Grace Guico, ang Founding President ng Project Abound, lubos ang pasasalamat ng mga MSME’s sa Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa tulong at pagpapahalaga sa kanila dahil muli nilang naipakita o na showcase ang kanilang mga produkto sa boung mundo.
Ang Manila Fame ay isang prestiyosong trade show ng mga dekalidad na produktong pang bahay, fashion at lifestyle.
Sinusuportahan nito ang mga MSMEs at mga artisan community sa pagkakaroon ng mga buyers sa ibat ibang bahagi ng mundo.
Dagdag pa nito, kanyang inanyayahan ang mga MSMEs na pumili ng pinakamaganda nilang produkto para ma-showcaseito.
Samantala, nakahandang tumulong ang Dept. of Trade and Industry o DTI Pangasinan sa pag develop ng mga produkto ng mga MSMEs.
Ayon naman kay Natalia Dalaten, Provincial director ng DTI Pangasinan, malaking bagay na mailpabilang muli sa Manila Fame ang Pangasinan products at nagkatuparan ito dahil sa provincial government na laging nakasuporta.
Para mapabilang sa Manila Fame, kinakailangan na kumpleto ang mga papeles ng mga business enterprise, rehistrado sa BIR, nakadalo na rin sa series ng product development at ibat ibang seminars.