Nagpaabot ng pakikidalamhati ang Provincial government ng Pangasinan sa pamilya ng tinaguriang A Distinct Man of Honor and Brilliance na si Atty. Vicente “Vic” D. Millora.

Pumanaw si Millora nitong July 9, 2020 dahil sa renal failure.

Nagbigay tribute ang probinsya kay Millora dahil sa kanyang hindi matatawarang kontribusyon sa Philippine politics bilang dating national chairman ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL) at dating national president ng Integrated Bar of the Philippines (IBP).

--Ads--

Nabatid na nanguna siya sa bar examination noong 1957.

Si Atty. Millora ay nagsilbing gobernador ng Pangasinan mula September 16 hanggang 30, 1971 sa panahon ng transition period ng dalawang dating mga provincial governors.

Nanilbihan din ito bilang Assemblyman mula 1978 hanggang 1984.