Dagupan City – Tiniyak ng Provincial Director ng Pangasinan Police Provincial Office ang kaligtasan sa lalawigan kaugnay sa paggunita ng Semana Santa.

Ayon kay PCol Jeff E Fanged, Provincial Director ng Pangasinan Police Provincial Office, sa kasalukuyan ay nagpapakalat na sila ng nasa higit 2,500 na kapulisan sa mga pilgrimage site sa lalawigan.

Aniya, na-identify na rin ang mga tourist destination na isa sa mga pangunahing tututukan ng kanilang hanay upang maiwasan ang anumang insidente.

--Ads--

Binigyang diin pa ni Fanged na layunin ng kanilang ahensya na maiwasan nang maulit pa ang mga naitala noong nakaraang taon.

Kaugnay nito ay nakahanda na rin ang augmentation sa mga mobile forces at on-going na rin ang training sa Dpartment of Tourism Region 1 upang mas maging maayos ang daloy at maging alerto ang mga ito.

Samantala, bumaba naman na aniya ng 40% ang datos ng mga naitatala sa ilegal na droga ngayong taon kung ikukumpara noong mga nagdaang taon.