DAGUPAN CITY- Ipinroklama na ang mga nanalong kandidato sa lalawigan ng Pangasinan sa isang opisyal na seremonyang ginanap sa Capitol Building sa bayan ng Lingayen, sa pangunguna ng Sangguniang Panlalawigan.
Isa itong makasaysayang araw para sa lalawigan matapos na opisyal na iproklama ang mga nanalong kandidato sa katatapos lamang na halalan.
Pormal na inanunsyo Provincial COMELEC sa pangungna ni ATTY. ERICSON OGANIZA at ng Sangguniang Panlalawigan ang mga bagong opisyal na mamumuno sa iba’t ibang bayan at distrito ng lalawigan.
Kabilang sa mga ipinroklama ang mga bagong halal na gobernador, bise-gobernador, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, at mga kinatawan sa Kongreso.
Ayon kay Gina “Manay Gina” de Venecia, elected 4th District Congresswoman, lubos siyang nagpapasalamat sa pagtanggap at suporta ng kanyang nasasakupan sa nasabing distrito.
Masaya siya na ramdam niya ang pagmamahal sa kanya ng mga tao at nakita niya ito sa mas mataas na boto kumpara sa nakaraang eleksyon nang siya ay naunang nahalal.
Dagdag pa niya na kanyang ipagpapatuloy ang mga programa ng kanyang anak na si Congressman Christopher “Toff” de Venecia katuwang din ang kanyang asawa na si Former Speaker Jose de Venecia Jr.
Para naman kay Rose Apaga, elected 5th District Board Member, wala man siyang karanasanasan sa pulitika dahil isa siyang negosyante, mayroon naman itong dugong Public Servant.
Aniya na hindi man niya naging kapartido ang kasalukuyang administrasyon, gagawin niya ang kanyang trabaho na maki-isa sa pagbibigay ng serbisyo sa kanyang nasasakupan.
Naniniwala siya na ang pagiging matulungin niya ang nagbigay sa kanya ng panalo.
Ito ang unang sabak niya sa pulitika kaya naman hindi rin naiwasan ang mga naranasan niyang pagsubok, kaya naman mas pinagsikapan niya ito nang magawa niya rin ng maayos ang kanyang maiaambag sa Capitolyo.