DAGUPAN CITY – Tinututukan ngayon ng Provincial Agriculture Office ang problema ng mga magsasaka sa patuloy na pagbaba ng presyo ng palay.
Ayon kay Dalisay Moya, hepe ng Provincial Agriculture Office, nakikipag-ugnayan na sila sa mga farmers’ cooperatives at associations upang maipartner ang mga ito sa marketing program ng National Food Authority (NFA).
Plano rin ng kanilang opisina na maghanap ng mga institutional buyers para sa direktang pagbili ng bigas mula sa mga magsasaka.
--Ads--
Dagdag ni Moya, makikipag-ugnayan sila sa Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ng Agricultural Marketing Assistance Services (AMAS) upang matukoy ang mga potensyal na institutional buyers ng bigas at iba pang agricultural commodities.